Lalaki, patay sa pananambang sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2019 12:37 AM

Kuha ng Kabankalan City Police

Isang lalaki ang nasawi matapos tambangan ng mga di pa kilalang salarin sa Kabankalan City sa Negros Occidental nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, nasa Barangay Daan Banua si Ramonito Gasataya habang nagmamaneho ng motorsiklo nang may dalawang lalaki na sumulpot mula sa tubuhan sa tabi ng daan. Dito na pinagbabaril ang biktima bago tumakas ang mga suspek sa isa ding motorsiklo.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng M14 rifle at kalibre .30 na carbine.

Bago tumakas ang mga suspek, may iniwan silang mensahe, na nakasulat sa cartolina, na nagpapahiwatig na paghihiganti nila sa biktima.

Paniwala ng pulisya, posible isa lamang itong paraan ng panlilinlang para malihis ang ginagawang imbestigasyon mula sa tunay na motibo at ang may kinalaman sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.