ALAMIN: 'Pag-aamok' sa pampublikong lugar, ano ang pananagutan?

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2018 04:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kamakailan ay nag-viral ang balita tungkol sa isang babaeng nagwala, nanggulpi, at nanakal ng fast food manager sa California dahil "kulang" ang ketchup na ibinigay sa kaniya. 

Pero kung sa Pinas nangyari ang ganitong uri ng pag-aamok, ano kaya ang puwedeng ikaso dito? 

Ayon kay Atty. Claire Castro, may iba't ibang kaso na puwedeng harapin ang taong mag-aamok, depende sa sitwasyon, batay sa Revised Penal Code. 

Kapag nagbanta ito sa buhay ng ibang tao, maaaring kasuhan ng grave threat ang salarin. 

Kapag naman nanakit at nanapak ang isang tao, maaaring sampahan ito ng physical injuries 

"Depende ito sa sitwasyon kung ano 'yung kahinatnan na ginawa," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" nitong Biyernes. 

Ani Castro, multa at pagkakakulong ang parusa rito, depende sa pinsalang naidulot sa kapwa o kagamitan. 

Dagdag niya, lalabas din ito sa NBI Clearance ng nag-amok na indibidwal bilang criminal offense. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.