Kotse, sumalpok sa barrier sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2019 01:09 PM

MAYNILA – Nagdulot ng maagang pagbigat sa daloy ng trapiko ang pagsalpok ng isang kotse sa hilera ng mga concrete barrier sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Nangyari ang aksidente sa tapat ng isang ospital sa westbound lane ng Quezon Avenue.

Ayon sa enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority na unang rumesponde sa aksidente, mabilis ang takbo ng kotse na minamaneho ni Darwin Galario, isang transport network vehicle service (TNVS) driver.

Walang reflectorized strip ang mga barrier at madilim rin sa bahagi ng naturang kalsada na posible umanong dahilan kaya natamaan ng sasakyan ang barrier na nasa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakatama ay nasira ang barrier at nagkalat ang tipak ng semento sa kalsada. Nalipat rin sa gitnang lane ang kotse matapos kumabig pakanan para hindi bumangga mismo sa center island.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.