Paoay Church, sasailalim sa restorasyon

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2018 08:06 PM | Updated as of Nov 29 2018 08:33 PM

Nasa P30-milyon ang ilalaan para sa restoration ng Paoay Church. Tatlong taon ang gagawing restoration sa nasabing simbahan. Grace Alba, ABS-CBN News

PAOAY, Ilocos Norte - Nasa P30 milyon ang ilalaan para sa restorasyon ng Saint Augustine Church o mas kilala bilang Paoay Church.

Maaaring umabot ng tatlong taon ang naturang proyekto na layon ayusin ang harapan, bellfry, at loob ng estruktura, at palitan ang mga bubong ng makasaysayang simbahan. Sa ikatlong taon, magkakaroon ng bakuran, ani Rene Escalante, Chairman ng National Historical commission (NHCP). 

Nakalaan naman ang P15-milyon para sa pagpapagawa ng bell tower ng Bacarra na nasira dahil sa mga lindol.

Pinangunahan ni Bishop Renato Mayugba ng Diocese of Laoag at Escalante ang paglagda sa isang kasunduan para sa restorasyon ng makasaysayang Saint Augustine Church sa nasabing bayan at bell tower sa bayan ng Bacarra sa susunod na taon. 

Nauna nang inayos ngayong taon ang Piddig Church. Kasama din sa planong mapanatili at mapaayos ay ang Santa Monica Parish Church sa taong 2020.

Hindi naman maapektuhan ng programang pagpapaayos sa mga heritage structures tulad ng Paoay Church ang pananatili ng simbahan sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.

“This is an NHCP initiated project, this is not tied up with delisting because whether listed or not, this is part of our national patrimony,” paliwanag ni Escalante.

Positibo si Escalante na mareresolba ito sa aksyong gagawin ng gobyerno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.