Nars at komadronang galing sa polio vaccination, tinambangan sa Agusan del Norte

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 10:31 PM

KITCHARAO, Agusan del Norte - Tinambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang dalawang medical staff na galing sa isang polio vaccination sa Kitcharao, Agusan del Norte nitong Huwebes.

Bumabiyahe umano ang nurse na si Ingrid Archinue at midwife na si Jennifer Veterbo mula Zapanta Valley, nang tambangan sila ng isang armadong grupo sa bayan.

Wala namang nasaktan sa insidente. 

Tinamaan umano ang harapang bahagi ng windshield ng sasakyan ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.