9 marijuana plantation, nadiskubre sa Ilocos Sur

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 10:35 PM

Kuha ng Sugpon PNP

SUGPON, Ilocos Sur - Siyam na marijuana plantation na nasa bulubunduking bahagi ng Sugpon, Ilocos Sur ang natunton ng mga awtoridad nitong Lunes at Martes.

Sa dalawang araw na operasyon, halos 18,000 tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng mga pulis at kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Higit P7 milyon ang halaga ng mga kontrabando, ayon sa mga awtoridad.

Hindi pa natukoy kung kanino ang mga plantation pero dito daw nang-gagaling ang marijuana na ibinebenta sa mga kalapit na lalawigan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.