Noche Buena items na may pekeng expiration date, nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 05:16 AM

MAYNILA - Nasamsam ng mga awtoridad sa Quiapo, Maynila ang mahigit P30,000 halaga ng ilang produktong pang-Noche Buena na may pekeng expiration date.

Nilusob ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang tindahan sa kanto ng Villalobos St. at Carlos Palanca St. matapos makatanggap sila ng reklamo ukol sa ilegal na gawain.

Kabilang sa mga produktong nakumpiska ay keso de bola, spaghetti sauce, cheese, ketchup, at marami pang iba.

Ayon sa FDA, tampered ang expiration date o binago ito mula sa orihinal na date na nakusalat sa packaging.

Paalala ng mga awtoridad, bumili lamang sa mga mapagkakatiwalaang tindahan, lalo na ngayong magpa-Pasko. - ulat nina Jeffrey Hernaez at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.