Illegal vendors, muling sinakop ang kalsada ng Recto

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2017 02:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Muling inokupa ng mga ilegal na tindero ang outer lane ng Recto Avenue, bahagi ng Divisoria sa Maynila.

Ito'y sa kabila ng halos araw araw na clearing operations na isinasagawa ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kalsada.

Depensa ng mga tindero, may binabayaran umano sila sa Manila City Hall para bigyan sila ng pahintulot na makapagtayo ng puwesto sa may gilid ng kalsada.

Subalit pinabulaanan ito ng MTPB at sinabing hindi opisyal ang ipinapakitang resibo ng mga tindero.

Inaasahang mas darami ang bilang ng taong dadagsa sa may Recto at Divisoria lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.