Planta ng langis sa Pampanga, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 06:05 AM

MAYNILA—Nabulabog ang ilang residente matapos makarinig ng pagsabog sa kasagsagan ng sunog sa isang oil refinery sa Barangay San Pablo Libutad, San Simon, Pampanga Martes ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Freddie Henry ng San Simon police, alas-11:30 ng gabi nang sumabog ang isang bahagi ng planta kung saan nagsasagawa ng refinery ng mga lumang langis. 

Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng planta kaya itinaas sa unang alarma ang sunog bago ito naapula makalipas ang 30 minuto. 

Walang naitalang nasugatan sa insidente habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog at kabuuang halaga ng pinsala nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.