'Mala-Robin Hood': Lalaki 'inaabuloy sa kapilya ang kita sa pagtutulak'

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2018 05:49 PM | Updated as of Nov 27 2018 07:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ang mala-Robin Hood umano na drug suspect sa buy-bust operation ng Antipolo City police. 

Kinilala ang suspek na si Jomar Lopez, na inaresto sa bisa ng buy-bust operation. 

Ayon kay Antipolo police chief Superintendent Villaflor Bannawagan, pinangdo-donate umano sa pagpapagawa ng kapilya sa kanilang lugar ang kinikita ng suspek sa pagtutulak ng droga. 

Aabot sa 150 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na P900,000 street value ang nakuha sa suspek. 

Nakumpiska rin ang limang motorsiklo sa suspek, na ginagamit umano ng suspek sa mga insidente ng holdap sa lugar. 

Pero depensa ng suspek, galing sa pansabong ang kaniyang donasyon at gusto niya lamang mapaayos ang kapilya dahil tila babagsak na umano ang gusali nito. 

Bukod sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mahaharap din sa kasong frustrated murder ang suspek matapos niya umanong barilin ang isang hinihinalang asset. 

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.