BI nangangailangan ng 100 immigration officers

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 02:59 PM

Nangangailangan ang Bureau of Immigration (BI) ng 100 immigration officer na itatalaga sa mga international airport at seaport sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Sa pagkuha ng karagdagang tauhan, layon ng BI na palakasin ang kanilang pagbabantay sa mga border ng bansa at pagbutihin pa ang kanilang mga serbisyo sa publiko, sabi ngayong Miyerkoles ni Immigration Commissioner Jaime Morente.

"Through this hiring, we intend to provide faster and smoother processing in our ports," aniya.

Immigration Officer I ang posisyon ng 100 tao kukuhanin ng BI, ayon kay Morente.

Kailangan lamang maging graduate ng 4-year course at may Career Service Professional Second Level Eligibility mula sa Civil Service Commission, ayon kay Morente.

Dadaan muna sa pagsasanay ang mga makukuhang immigration officer bago maitalaga sa mga tanggapan ng BI bilang "on-the-job trainees," ani Morente.

Kailangan din muna umanong ipasa ng mga makukuhang officer ang ilang exam bago ma-deploy.

"We will only deploy immigration officers who will pass the immigration officers' course," ani Morente.

Para sa mga nais maging aplikante, maaaring bisitahin ang website ng BI: careers.immigration.gov.ph

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.