Huling araw ng bar exams, dinumog ng mga tagasuporta ng mga nagsusulit

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2018 08:12 AM | Updated as of Nov 25 2018 07:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Dumoble ang dami ng mga tao sa labas ng University of Sto. Tomas sa Maynila sa ikaapat at huling linggo ng bar exams.

Sa tantsa ng pulisya, pumalo sa 2,000 ang mga supporter na pumunta.

Remedial law at legal ethics ang mga asignaturang kukunin ngayong araw ng nasa 8,000 exminees.

Nagdadag na rin ng tauhan ang pulisya--mula 400, nasa higit 500 na ang ipinakalat na pulis sa palibot ng UST.

Ipinapatupad pa rin ang stop and go traffic scheme para hindi magsikip ang trapiko sa tapat ng UST.

Inaasahan naman na mas marami ang dadagsa mamayang hapon sa tradisyon na "salubong" kung saan ang mga magulang, kaibigan, at tagasuporta ay aabangan ang paglabas ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi naman ng pulisya na sa ngayon ay "generally peaceful" ang bar exams.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.