Lalaking pinagtataga ng bayaw at pamangkin, patay

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 02:51 AM

SIPALAY CITY, Negros Occidental - Patay ang isang lalaki matapos pagtatagin ng mismong bayaw at pamangkin Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, paghihiganti ang isa sa mga posibleng motibo sa krimen.

Ayon kay Police Lt.Col. Necerato Sabando, hepe ng Sipalay Police, kapwa lasing ang dalawang suspek na pinagtulungang tagain ang biktima gamit ang itak hanggang sa mamatay ito.

Sa dami ng tinamong taga ng biktima ay naputol ang kaniyang kaliwang kamay at paa.

Dagdag pa ng pulisya, maaring naghiganti ang dalawang suspek dahil pinatay rin umano ng biktima ang kapatid ng kaniyang bayaw noong 2012.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek na posibleng sampahan ng kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.