Higit 2,000, stranded pa rin dahil sa bagyong Samuel

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 01:23 AM

MAYNILA - Libo-libong pasahero ang stranded pa rin sa mga pantalan nitong Miyerkoles dahil sa bagyong Samuel.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), may 659 na stranded na pasahero sa National Capital Region (NCR).

Stranded din ang 366 na pasahero sa Central Visayas, 488 sa Southern Tagalog, 490 sa Western Visayas, 43 sa Bicol habang 291 sa ilang lugar sa Visayas.

Inabisuhan naman ng PCG ang lahat ng unit nito na ipatupad ang mga alintuntunin sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat tuwing may sama ng panahon. - ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News