Dating sundalo, patay sa riding-in-tandem

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 01:33 PM

Patay ang isang dating sundalo at ngayon ay head ng isang security agency matapos na barilin ng riding-in-tandem, Miyerkoles ng umaga sa Lapu-Lapu Cty.

Nakilala ang biktima na si Ubaldo Capulaw, 60-anyos, at residente ng Barangay Punta Engaño.

Ayon sa pulisya, binaril si Capulaw dakong alas-8 ng umaga sa Sitio Saac sa Barangay Buaya.

Kasalukuyang iniimbistigahan pa rin ng awtoridad ang insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.