Magnobyo timbog sa Caloocan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 05:40 AM | Updated as of Nov 21 2019 07:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang isang magnobyo sa buy-bust operation sa 10th Ave., Caloocan City.

Nasamsam sa mga suspek ang mahigit P80,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Walang imik ang 2 nang tanungin kung ano ang kinalaman nila doon. Pero ayon sa pulisya, pareho umanong nagtutulak ang magnobyo.

Ang babaeng suspek ay dati nang nakulong at kalalaya lang. Ang lalaki naman ay dati ring inireklamo dahil sa umano'y pagsusunog ng mga bahay.

Marami rin umanong nabebentahan ang mga suspek.

Kulong ang magnobyo sa Northern Police District sa Caloocan.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.