Lalaki inireklamo ng panghahalay sa babaeng niyaya sa inuman

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 11:47 PM

BACOLOD CITY - Isang 19 anyos na lalaki sa Bacolod City ang inireklamo ng panggagahasa ng babaeng niyaya sa inuman.

Itinuring na kaibigan ng 19 anyos na dalaga ang suspek na nakasama sa inuman sa isang carinderia sa Bacolod City nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi raw niya inakala na pagsasamantalahan siya nito.

Sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Bacolod City Police, nakaramdam ng pagkahilo ang biktima habang sila ay nag-iinuman ng suspek.

Isinakay umano ng suspek ang biktima sa motorsiklo at inuwi sa kanilang bahay.

Doon na umano nangyari ang panggagahasa sa biktima, ayon sa pulis.

Sinabi ni Police Inspector Arlyn Torrendon, sinampahan na nila ng kasong rape ang nahuling suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.