Bus naipit sa pagitan ng 2 trak; mga pasahero, dumaan sa bintana

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 10:13 PM

Isang bus ang naipit sa pagitan ng dalawang trak sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental Martes ng hapon.

Sa mga larawang kuha ni Eyhan Iligan Tacolod, makikita ang paglabas ng mga pasahero sa bintana ng bus.

 

Ayon sa pulisya, kinuha ng bus ang lane ng kasalubong na trak kaya nagkabanggaan ang mga ito sa Barangay Linaon.

Nang magkabangaan ang bus at trak, nabangga rin nila ang isa pang truck na nakaparada sa gilid ng daan. 

Dahil sa pagkaipit ng bus sa dalawang trak, hindi na mabuksan ang pinto nito kaya't sa bintana nagsilabasan ang mga pasahero. 

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.