8 arestado sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 05:07 AM

MAYNILA—Arestado ang 8 katao sa buy-bust operation sa Barangay Sangandaan, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon sa Talipapa Police Station, 4 sa mga nahuli ay nasa drugs watch list habang ang 4 na iba pa ay bagong tukoy na drug personality.

Bago mag-alas-9 ng gabi nang makipagtransaksiyon ang mga pulis sa bahay ng isa sa mga lalaking suspek, pero bukod pa sa pagbebenta ng ilegal na droga ay tyempo ring nahuling nagda-drug session ang mga suspek.

Nasamsam sa kanila ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P54,000 at drug paraphernalia.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.