4 sundalo patay sa aksidente sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 07:42 PM

Nakaladkad ng truck ang pickup na lulan ang mga sundalo bago tumama sa isang bahay sa tabi ng kalsada. Larawan mula kay Hazel Gabon

Patay ang apat na sundalo matapos mabangga ng isang 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang pickup sa Barangay Apolonia sa Paranas, Samar, Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, galing sa Hinabangan, Samar ang wing van truck patungo sa Catbalogan City.

Pagdating sa palusong na bahagi ng kalsada sa naturang barangay ay nasagi ng truck ang sinusundang tricycle at pagkatapos ay binangga naman ang kasalubong na pickup na lulan ang pitong sundalo.

Kinaladkad ng truck ang pickup hanggang bumangga sa isang bahay na nasa tabing kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.