P1.7-M halaga ng droga nasamsam sa 3 suspek sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 09:18 AM

MAYNILA - Nasabat ang P1.7 milyong halaga ng droga mula sa 3 high-value target sa isang condominium sa Quezon City nitong Lunes.

Nakumpiska ang nasa 250 gramo ng hinihinalang shabu mula sa 1 babae at 2 lalaki na target ng operasyon. Dalawa sa kanila ay dati nang nakulong dahil din sa droga. 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.