Lolo patay nang makuryente ng wire sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 02:38 PM

Napatay ang isang lalaki matapos aksidenteng mahawakan ang isang live wire sa tabing-ilog sa Zamboanga City noong umaga ng Linggo.

Lasing umano si Ramon Marcial, 62, nang pumunta sa tabi ng ilog sa may Barangay Tumaga at mahawakan ang wire na ginamit sa electric fishing.

Bagaman ipinagbabawal ang electric fishing, marami pa rin ang gumagawa ng ganoong paraan ng pangingisda sa Barangay Tumaga, ayon sa kagawad na si Jake Fabian.

Iginiit ng mga tauhan ng barangay na paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga tabing-ilog para maiwasang mangyari ang mga kaparehong insidente. -- Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.