Ordinansa ng QC kontra pyrotechnics inalmahan ng mga negosyante

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 10:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umaaray ang mga negosyante ng mga pyrotechnics sa Bulacan dahil sa ordinansa sa Quezon City kung saan bawal na rin ang pagpapasindi ng mga pailaw sa mga kalye o pampublikong lugar.

Sa ilalim ng ordinansa, sa mga common area na itatalaga na lang o sa sariling bakuran mo ito pwedeng gamitin.

Giit ng mga negosyante, taliwas daw ito sa Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinapayagan ang mga pyrotechnic devices sa mga pampublikong lugar.

Malaking porsyento raw ng mga parokyano nila ay galing sa Quezon City kaya malaki ang epekto nito sa kanilang industriya.

Pero ayon sa may-akda ng ordinansang si Councilor Rannie Ludovica, dumaan naman ito sa public consultation at sinabing "delikado" pa rin ang mga pailaw.

Kasama sa konsiderasyon din ang epekto nito sa kalikasan.

Tinatapos na ang implementing rules and regulation ng ordinansa at simula sa susunod na buwan ay manghuhuli na sila ng mga nagbebenta ng paputok sa mga bangketa.

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.