Pagcor tatanggap na ulit ng aplikasyon para sa medical aid simula Lunes

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 04:14 PM

MAYNILA — Tatanggap na ulit ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ng aplikasyon para sa medical financial assistance simula Lunes, Nobyembre 18.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pagcor na makikipagtulunan ito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagberipika ng mga hiling para sa medical financial assistance.

"PAGCOR will resume accepting medical assistance requests that will first be endorsed to PCSO for verification," sabi sa pahayag.

"Under the arrangement, PAGCOR will be able to tap the assistance of PCSO, which has more human and organizational resources and experience in processing requests for medical assistance."

Noong Miyerkoles, inihayag ng Pagcor na hindi muna ito tatanggap ng aplikasyon kasunod ng tangkang pag-defraud o pagloko sa ahensiya gamit ang mga pekeng dokumento.

Naaresto na ng Manila Police District ang mag-asawang nameke ng mga dokumento para makakuha ng ayuda sa Pagcor.

Muli namang binalaan ng Pagcor ang mga tao o grupong magtatangkang lokohin ang ahensiya.

"Individuals or groups found guilty of fraudulent activities against the agency shall be dealt with strictly in accordance with law," anang Pagcor sa pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.