Bahagi ng condominium building sa Makati nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 04:38 PM | Updated as of Nov 17 2019 04:49 PM

Nasunog ang bahagi ng isang condominium building sa Barangay San Antonio, Makati City ngayong Linggo.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang maiulat na nasusunog ang isang bahagi ng Air Residences sa kanto ng Yakal Street at Ayala Avenue Extension, ayon sa ulat ng Makati police.

Umabot sa first alarm ang sunog na nangangahulugang kailangan ang pagresponde ng hanggang 2 fire truck.

Idineklara ni Fire Chief Inspector Ronald Sanchez ang fire out bandang alas-3:51 ng hapon, ayon sa Makati police.

-- May ulat ni Tarra Quismundo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.