Suspek sa pagpatay negosyante sa Davao del Sur, timbog

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 10:48 PM

Photo by Cheche Diabordo, ABS-CBN News

STA. CRUZ, Davao del Sur -- Arestado ang isang lalaking itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa isang babaeng negosyante sa Barangay Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur.

May limang araw ding hinahap ng mga awtoridad si Edelmero Agua bago ito nahuli ng Sta. Cruz police Biyernes ng hapon sa Barangay Mahan-ug, Baganga, Davao Oriental.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinatay umano ng suspek sa saksak si Martina Tancontian. Kinuha niya ang wallet at cellphone ng 86 anyos na biktima, maging ang storage ng CCTV, bago tumakas.

Nakatakdang kasuhan ang suspek sa Lunes. Kinukunsidera ng pulisyang sarado na ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.