Presyo ng Noche Buena products nakapako hanggang dulo ng 2019: DTI

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 07:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala nang aasahang taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin kabilang ang ilang Noche Buena items hanggang matapos ang 2019.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, ito ay para maging magaan na para sa konsumer ang pagbili ng mga produkto para sa Pasko at Bagong Taon.

"Nakuha na natin 'yung commitment ng manufacturers especially for the Noche Buena products na hindi na sila gagalaw [until end of the year]," ani Castelo.

Una nang nabanggit ng DTI na ipapako rin nila ang presyo ng aabot sa 134 produktong pang-Noche Buena ngayong taon.

Magkakaroon din ng Nationwide Diskwento Caravan ang DTI kung saan makabibili ang mga Pinoy ng mas murang Noche Buena items.

Mas mura nang 10 porsiyento ang mga produktong ibebenta sa nasabing caravan.

Ibibida rin sa Diskwento Caravan ang mga produkto ng mga magsasaka at livestock raisers.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.