PANOORIN: Mga taga-Navotas na walang tubig, ginamit muna ang ulan

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 11:04 PM | Updated as of Nov 16 2019 11:49 PM

MAYNILA—Ginamit muna ng ilang residente ng Barangay NBBS Dagat-Dagatan sa Navotas ang tubig-ulan sa kanilang gawain nitong Sabado matapos sila mawalan ng suplay ng tubig.

Ang mga residente, naligo muna sa ulan habang walang tubig sa kanilang mga banyo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghugas naman ang iba ng plato gamit ang mga naipong tubig-ulan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahigit 24 oras nang walang suplay ng tubig ang ilang barangay sa Navotas matapos magkaroon ng water interruption ang Maynilad sa lungsod nitong Biyernes.

Ayon kay Jennifer Rufo, head ng Maynilad corporate communications, aksidenteng natamaan ng kanilang contractor ang tubo nila habang-daan ng C3.

"We had to shut down the water supply in the primary line to do the repairs. This is why the scheduled service interruption in portions of Navotas, Caloocan and Malabon had to be extended," aniya.

Babalik umano ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar alas 2 ng umaga Linggo, Nob. 17.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.