Pagpapaalis sa sidewalk vendors sa Divi may katuwiran ba?

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 02:36 PM


MAYNILA - Noong nakaraang linggo ay ipinatanggal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga puwesto ng vendors sa isang parte ng Divisoria, dahil sa kabiguan nilang panatilihing malinis ang lugar.

Umani ito ng batikos lalo't apektado ang kabuhayan ng mga mahihirap na vendors. 

Pero tingin ng abogadong si Claire Castro, may karapatan pa rin ang lokal na pamahalaan na tanggalin ang mga vendor lalo na kung lumabag sila sa mga kondisyong inilatag.

Dito raw kasi papasok ang "police powers" ng Maynila, o kapangyarihan nila na mag-regulate ng kanilang nasasakupan. 

"Ang local government heads ay mayroong karapatan na i-regulate, i-monitor ang lahat ng nangyayari sa kaniyang teritoryo at kung nakita niyang ito ay nakakasama sa mas marami, may karapatan ang gobyerno kahit walang court order," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla." 

Ayon pa kay Castro, maituturing na isang pribelehiyo ang pagkalooban ng permit ng gobyerno na magbenta. 

"Kung ibinibgay sa inyong rason ay legal o resonable, na kayo ay may pribelehiyo [na magbenta], iyan po ay igalang at ingatan dahil kapag sumuway po kayo anytime puwede po kayong ipaalis," ani Castro. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.