Lalaki patay sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 09:40 AM

ILOILO CITY — Patay ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Dulonan, Arevalo District, dito sa siyudad Biyernes ng gabi.

Nanlaban umano sa mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng Western Visayas si Bernardo Chavez kaya napatay.

Nangyari ang operasyon sa tinutuluyang boarding house ng suspek kung saan nabilhan umano ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala pa sa ospital si Chavez pero binawian din ng buhay.

Narekober sa crime scene ang 3 pang sachet ng umano'y shabu at isang kalibre .45 na baril.—Ulat ni Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.