Babae patay sa sunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 09:41 AM | Updated as of Nov 16 2019 07:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Patay ang isang babae sa sunog sa Barangay Hagonoy, Taguig City, Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay Ana Joy Parungao ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang biktima na si Rose Franco.

Kuwento ng kaanak ng biktima, na-trap sa nasusunog na bahay si Franco. Nakalabas naman ang kaniyang 3 anak at mga magulang.

Sa ulat ng Taguig City Police Station, tatlong bahay ang nasunog sa Quezon Street malapit sa Dimasalang at apektado ang 3 pamilya.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.