ALAMIN: Parusa sa mga mamemeke ng dokumento

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 05:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nabuking kamakailan ang mag-asawang nameke umano ng dokumento para makakubra ng ayuda sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), na nagtulak sa ahensiya na itigil ang pamamahagi ng medical aid.

Ayon sa abogadong si Claire Castro, maaaring kasuhan ng falsification of public documents ang mga suspek.

"You're making untruthful statements. Nagna-narrate ka, sasabihin mo ikaw ay may sakit na ganiyan in-a-attach mo medical certificate. It's falsification talaga," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

Prision mayor o 6 hanggang 12 taong pagkakakulong ang maaaring harapin ng mga suspek sakaling mapatunayan ang kanilang krimen.

Pero para kay Castro, hindi na lang sana itinigil ng Pagcor ang pamimigay nila ng ayuda matapos ang nangyari.

Sa halip, dapat din daw nilang imbestigahan ang mga nasa kanilang mga hanay.

"Let's face it, may manloloko pero maraming maaapektuhan na talagang nangangailangan ng tulong. Ang isang delay sa pagkuha ng tulong it will cost life," ani Castro.

"Baka may ibang tao sa loob na maaaring kasabwat kasi bakit makakalusot ito? So sakin lang siguro, might as well wag naman nila agad ihinto kasi marami pa namang pumipila."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.