Binata, patay matapos saksakin sa Bulacan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 05:15 AM

Patay ang isang binata matapos masaksak sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa pamilya, nilusob daw ang binata habang umiihi sa gilid ng kalsada. 

Pauwi na sana ang biktima kasama ang kanyang pinsan mula sa isang debut noong isang gabi.

Aabot sa 30 lasing na lalaki na nag-iinuman sa kalapit na bahay ang umatake sa biktima.

Ayon sa pinsan ng binata, binato raw sila ng mga bote at bato hanggang sa sinaksak ng isang lalaki ang biktima.

"Nakita ko na lang bumagsak siya. Walang tumulong sa akin," aniya.

Nahuli ng pulisya ang limang lalaki na kasama umano sa mga nambato. Dalawa sa kanila ay mga menor de edad pa.

Depensa naman ng mga nahuli na napagbintangan lamang sila. 

"Sana makonsensya kayong lahat para mabigyan ng hustisya ang anak ko," sabi ni Daisy, ina ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.