Higit P6-M halaga ng shabu nasabat sa Bacolod buy-bust

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 08:38 AM | Updated as of Nov 15 2019 09:30 AM

Narekober ang shabu sa loob ng kotseng sinakyan ng 3 arestadong suspek sa buy-bust operation sa Bacolod City. Larawan mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 6

Umabot sa isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P6 milyong halaga ang nabawi sa buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 sa South Capitol Road sa Bacolod City, Biyernes ng madaling araw.

Target ng ikinasang operasyon ang 38-anyos na lalaki na itinuturing na high value target. Nasama sa inaresto ang kanyang live-in partner at driver ng kotse kung saan narekober ang mga iligal na droga.

Naniniwala ang awtoridad na kasapi ng Divinagracia Drug Group ang mga nadakip na suspek.

Inaalam rin ng pulisya kung may koneksyon ang mga suspek sa mga itinuturing drug lord na kasalukuyang nakakulong sa Negros Occidental District Jail.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.