5 sugatan sa pagsalpok ng kotse sa truck sa Butuan

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 09:16 AM

Posible umanong nakatulog ang driver ng kotse kaya napunta sa kabilang lane ang kaniyang sasakyan. Larawan mula sa Butuan City Police Station 1

BUTUAN CITY - Lima ang sugatan matapos sumalpok ang isang kotse sa truck sa Barangay Mahay, Butuan City, Miyerkules ng hapon.

Galing sa Iligan City at papuntang Talacogon, Agusan Del Sur ang kotse na minamaneho ni Analito Yurong nang bigla itong pumunta sa kabilang lane at bumangga sa kasalubong na truck, ayon sa mga imbestigador.

Wasak ang kotse sa matinding pagsalpok nito sa truck.

Maliban kay Yurong, sugatan din ang pasahero nitong sina Salve at Hannah Yurong. Sugatan din ang driver ng truck na si Regino Alburo at kasama nitong si Ronald Al-os.

Inilipat na sa isang ospital sa Davao City si Alanito Yurong dahil sa kritikal nitong kalagayan, ayon sa Butuan City Police.

Posible umanong nakaidlip si Yurong kaya ito napunta sa kabilang lane.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.