Pamilya, kabilang ang 2-anyos na bata, nasawi sa sunog sa Olongapo

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:52 AM

Isang pamilya ang nasawi sa isang sunog sa Olongapo Miyerkoles ng umaga.

Naiulat na naiwan ang mag-asawang sina Mariano and Aira Panganiban kasama ang kanilang 2-anyos na anak na si Ricardo, sa pinakataas ng gusaling nasunog sa Barangay West Bajac-Bajac.

Ayon kay Chief Inspector Arvin Christian Santos, Olongapo fire marshall, nagsimula ang sunog sa isang auto supply store sa Rizal Avenue.

Kumalat na lang ang sunog sa apat na palapag na gusali, kung saan stay-in helpers at caretakers ang mag-asawa.

Ligtas naman ang may-ari ng gusali dahil lumabas ito bago mangyari ang insidente. Nakaligtas din ang kaanak nito matapos makalabas gamit ang fire exit.

Aabot sa P5 milyon ang danyos ng sunog. 

—Ulat ni Mac Guda, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.