Dolphin, natagpuang patay sa tabi ng dagat sa Ilocos Sur

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 10:41 PM

MAGSINGAL, Ilocos Sur—Isang patay na dolphin ang nakita ng mga residente sa tabing dagat sa Barangay Namalpalan sa bayan na ito Miyerkoles ng hapon.

May sugat ito malapit sa tiyan na hinala ng mga residente ay pinana.

 

Isa itong spinner dolphin at may habang halos isang metro.

May kasama din itong isa pang dolphin, pero dahil buhay ay agad ibinalik sa dagat.

“Kung may mga ganito ay tignan natin kung maibalik sa dagat at kung hindi naman ay magpatulong sa kinauukulan," ani Christopher Baterina, miyembro ng Provincial Board.

Para higit na maprotektahan ang mga marine mammal, isang ordinansa ang ipinapanukala ni Baterina sa Sangguniang Panlalawigan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.