Dealer umano ng pekeng armas arestado sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 06:17 PM

Naaresto noong hapon ng Miyerkoles ang isang lalaking dealer umano ng paltik o pekeng armas sa Danao City, Cebu. 

Sa isang buy-bust naaresto ang suspek na si alyas "JR" matapos tumanggap ng P100,000 marked money. 

Nakumpiska sa suspek ang ilang pekeng baril gaya ng 2 KG9 rifles, .45 caliber pistol at apat na revolver. 

Nakumpiska rin ang ilang silencer at magazine. 

Umaabot ng P80,000 halaga ng kagamitan ang nakumpiska sa suspek. 

Ayon kay Roland Allan Tolosa, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group nitong Huwebes, pinaghahanap na ang mga naging kliyente at posibleng manufacturer ng mga armas. 

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms. Dati nang nahuli ang suspek sa parehong kaso. -- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.