1 patay sa banggaan ng motor, van sa Ilocos Sur

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 11:41 PM

SAN ILDEFONSO, Ilocos Sur—Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na van sa Barangay Poblacion East sa bayan na ito Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Joselito Tabin Jr. mula sa bayan ng Santo Domingo sa Ilocos Sur.

Hagip sa CCTV ang aksidente.

Ayon kay Police Sr. Master Sgt. Jimmy Pagador, mabilis ang takbo ni Tabi at hindi niya nakontrol ang minamanehong motor at bumangga sa kasalubong na van.

Itinakbo sa ospital ang driver pero nasawi rin habang ginagamot.

Parehong sugatan naman ang driver ng van at kasama nitong anak pero nakalabas na sila sa ospital.

Ayon sa mga pulis, sakay rin ng van ang isang pasyenteng itatakbo rin sa ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.