P374-K halaga ng 'shabu' nakuha sa high-value target sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 01:56 PM | Updated as of Nov 13 2019 05:06 PM

MAYNILA — Nasa P374,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad noong Martes sa isa umanong high-value target sa Parañaque City.

Sa ulat, kinilala ng Parañaque police ang naarestong suspek bilang si Rock Daniel Diocareza o alyas "Loloy," 38.

Sa buy-bust operation nahuli ng mga tauhan ng Parañaque police si Diocareza bandang 10:45 ng gabi sa Tramo Uno Street, Barangay San Dionisio, ayon sa ulat.

Bukod sa pagiging high-value target dahil sa ilegal na droga, itinuturing din ng Parañaque police si Diocareza na most wanted person on 8 focus crimes at most wanted dahil sa ilegal na droga.

Nakuha umano mula sa suspek ang 22 sachet ng hinihinalang shabu, 5 ziplock na may live ammunition ng mga bala, isang digital weighing scale, motorsiklo, at P500 buy-bust money. 

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.