17 timbog sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 04:39 AM | Updated as of Nov 13 2019 04:40 AM

MAYNILA—Arestado ang 17 katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa Quezon City Martes ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang nasa 21 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang halos P150,000.

Unang nahuli ang 4 na suspek sa Barangay Baesa at nasamsam sa kanila ang 8 gramo ng droga.

Sa Barangay E. Rodriguez, timbog ang isang drug surrenderer na nakuhanan ng 2 gramo ng droga. Pitong suspek naman ang nahuli ng Fairview Police Station.

Samantala, 3 ang nakuhanan ng 5 gramo ng umano'y shabu sa Barangay Payatas.

Dalawang lalaki naman ang nahuli sa Barangay Culiat. Nasamsam kanila ang nasa 6 na gramo ng droga na may street value na P40,800.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.