Miyembro ng electricity disconnection team, patay sa pamamaril sa Davao del Norte

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2018 11:45 PM

Napatay si Arthur Esmeralda, miyembro ng disconnection team ng Davao del Norte Electric Cooperative, matapos pagbabarilin noong Huwebes.

Patay ang isang miyembro ng disconnection team ng Davao del Norte Electric Cooperative matapos pagbabarilin sa bayan ng New Corella, Davao del Norte noong nakaraang Huwebes.

Sa imbestigasyon, papunta na sana ang biktima na si Arthur Esmeralda, 41, sa iba pang bahay na hindi pa nagbabayad ng kuryente nang sinundan ito ng gunman at binaril.

"Sa ulahing pagbuto,nakabuhat pag storya ang gunman nga ayaw nag balik diri ha," ayon kay Senior Insp. Arvin Ongcay, officer-in-charge ng New Corella Police.

(Sa huling putok, may sinabi pa ang gunman, 'wag ka na bumalik dito ha.)

Isa sa mga tintingnang motibo ng mga pulis ay posibleng may customer na nagalit sa disconnection team dahil bago pa man nangyari ang pamamaril ay marami na ang naputulan ng kuryente.

May person of interest na ang New Corella Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.