P6.8 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam, 2 suspek arestado sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 09:03 PM | Updated as of Nov 13 2019 06:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Makati nitong Martes, kung saan 2 suspek ang naaresto. 

Isang kilo ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region at Makati police sa isang sports bar sa Barangay Poblacion.

Nasa kustodiya ng PDEA ang 2 suspek na itinuturing na high-value target.

Naharang umano sa customs check sa Ninoy Aquino International Airport ang isang package mula San Antonio, Texas sa Amerika, na nakapangalan sa mga suspek.

Idineklara itong filter pero nang inspeksiyunin ay natuklasang kontrabando.

Doon na nagsagawa ng controlled-delivery operation ang PDEA at Makati police sa mga suspek.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek. -- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.