Holdaper patay matapos maghagis ng pera, makipagbarilan sa mga pulis

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:21 PM

Nasawi ang isang holdaper matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro nitong Martes, Nob. 12, 2019.

Patay ang isang suspek na holdaper matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro nitong Martes ng gabi.

Ayon sa kay Police Col. Henry Dampal, director ng Cagayan de Oro Police, nangholdap ng isang hardware store at ilang service stalls ang napatay na si Archulito "Bingkol" Palubon bago ang kanyang pagkasawi.

Nang rumesponde ang mga pulis, tumakas si Palubon habang itinatapon sa daan ang mga nakuha niyang pera, ayon sa ilang testigo.

Pero napatay din ng mga rumespondeng pulis ang suspek pagdating sa Lirio Street.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril, mga bala at isang sachet ng hinihinilang shabu.

Inaalam pa ng mga pulis kung ilan ang kasama ng napatay na suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.