Bangkang may kargang 160 sako ng bigas, lumubog

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 08:32 PM

Naiahon ang ilang sako ng bigas na nabasa matapos na lumubog ang bangka sa Iloilo Strait. Cherry Palma, ABS-CBN News


ILOILO CITY – Lumubog ang isang motorbanca na may kargang 160 sako ng bigas habang patawid sa Iloilo Strait, Martes ng hapon.

Nagtulungan ang Philippine Coast Guard at ilang volunteer responders para mahila ang bangka sa gilid ng Fort San Pedro.

Apat ang sakay na crew ng bangkang patungong Guimaras nang lumubog ito matapos hampasin ng malakas na alon sa pagdaan ng isang fastcraft. 

Nakaligtas naman ang apat na sakay ng crew habang may mga sako ng bigas ang naiahon mula sa lumabog na bangka.

Ayon kay Senior Chief Alvino Rodriguez, deputy commander ng Coast Guard Station Iloilo, maliban sa mabigat ang karga, luma na rin ang naturang bangka.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.