Sunog sumiklab sa residential area sa Quiapo

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 08:52 PM | Updated as of Nov 09 2018 09:48 PM

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quiapo, Maynila nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Lucio Alvaracin ng Manila Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa isang malaking lumang bahay sa lugar.

Pasado alas-otso nang ideklara itong fire out. Walang naitalang nasaktan sa insidente.

Tinitingnan daw ng mga awtoridad ang posibilidad na sirang kable ng kuryente ang pinagmulan ng apoy, lalo na't biglang nawalan ng kuryente sa lugar bago ang sunog.

Ayon kay Kagawad Jimmy Acuzar ng Brgy. 385 Zone 89, nangungupahan ang nasa 25 pamilya sa nasunog na antique house.

Pero pinaaalis na umano ng may-ari ang mga ito kaya hindi na sila sinisingil pa ng upa.

Aabot sa humigit-kumulang P100,000 ang tinatayang halaga ng pinsala dahil sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.