Pulis binaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 04:46 AM | Updated as of Nov 09 2018 08:59 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Binaril Huwebes ng gabi ng hindi pa kilalang salarin ang isang pulis sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Supt. Edgardo Cariaso, 50 anyos, na nakadestino sa Internal Affairs Service (IAS) ng Camp Crame.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, kakababa lang ng sasakyan ng biktima nang bigla siyang lapitan ng isang lalaking nakasombrero at binaril. Mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng nakaabang na motorsiklo.

Agad dinala sa ospital si Cariaso at inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang. - ulat nina Maan Macapagal, Jeck Batallones at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.