9 na bahay natupok ng apoy sa Cebu City

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 05:12 PM

Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa siyam na bahay sa Barangay Bacayan sa Cebu City. Donna Lavares, ABS-CBN News

CEBU CITY – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Bacayan sa lungsod na ito, Biyernes ng hatinggabi.

Kinailangan pa ng mga bombero na pagdugtungin ang mga hose para maapula ang apoy dahil sa makitid ang daan patungo sa lugar na nasusunog.

Gawa sa light materials ang mga bahay kaya madali itong natupok ng apoy.

Sa imbestigasyon ng Cebu City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Artemio Borgonia.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog. 

Tinatayang aabot sa halagang P200,000 ang danyos na iniwan ng sunog.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.