Construction worker, nahulihan ng droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 08:17 AM

MANILA - Kalaboso ang isang construction worker sa Quezon City matapos mahuli sa akto ng mga pulis na may hawak na shabu, Huwebes.

Nahuli ng mga pulis ang 21-anyos na suspek habang nagsasagawa sila ng patrol sa Barangay Batasan Hills.

Umamin ang suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Haharap ang suspek sa kasong illegal possession of dangerous drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.