Sunog sumiklab sa residential area sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 05:09 AM

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 69, Caloocan City Huwebes ng madaling-araw.

Nagulantang ang mga tao dahil sa lakas ng apoy.

Dikit-dikit ang mga bahay at maliit ang mga eskinita.

Halos maiyak ang isang residente dahil nasunog ang sarili niyang chapel na may mga antigong santo.

Nasa 128 years na ang kaniyang Nazareno at Immaculada Concepcion na nadamay sa sunog.

Hindi pa tiyak ang pinagmulan ng apoy.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.